Presyo ng mga produktong petrolyo muli na namang gagalaw sa susunod na linggo

Sa pagpasok ng ikalawang linggo ng 2018 ay nagbabadya na naman ang muling paggalaw sa halaga ng mga produktong petrolyo.

Maglalaro sa pagitan ng 30 hanggang 40 sentimo ang madadagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Habang posible namang hindi gumalaw ang halaga ng gasolina. Kung gagalaw man ay minimal lamang ito sa 5 sentimo kada litro.

Sinasabing ang ikalawang pagdadagdag-singil sa halaga ng mga produktong petrolyo ay dahil sa paggalaw ng presyo sa world market.

Sa Martes, January 9 ipapatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag-singil.

Read more...