Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, prayoridad niya na maging fully-automated ang trade facilitation.
Aniya, sa pamamagitan nito ay mababawasan ang processing time na magreresulta naman sa pagbawas sa kurapsyon sa kagawaran.
Paliwanag ni Lapeña, kapag mabagal ang processing time ay nagkakaroon ng negosasyon sa pagitan ng consignee at mga kawani ng customs. Kung mayroon aniyang delay ay magkakaroon ng padulas.
Kaya naman kung mapapabilis ang processing time sa mga pantalan ay hindi na magkakaroon ng bayaran.
Pagbabanta pa ni Lapeña, maigting niyang ipapatupad ang one-strike policy sa Customs. Ayon pa dito, kilala na niya ang mga BOC personnel na gumagawa ng ‘delaying tactics.’