Mag-asawa pinugutan ng ulo ng Abu Sayyaf

Pinugutan ng ulo ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang mag-asawa mula sa Isabela City, Basilan.

Ito ang kinumpirma ni Brigadier General Juvymax Uy mula sa Joint Task Force Basilan.

Kinilala ang mga biktima na sina Abdurahim Kituh at asawa nitong si Nadzwa Bahitla.

Huwebes ng hapon nang patayin ang mag-asawa matapos paghinalaan ng Abu Sayyaf na nagpapasa ng impormasyon tungkol sa kanila papunta sa mga militar.

Ilang oras matapos silang paslangin ay natagpuan ang kanilang mga bangkay sa isang liblib na barangay sa Basilan.

Read more...