Pagtotroso itinuturo ni DA Sec. Piñol na dahilan ng malaking pinsala ng bagyong vinta sa Zamboanga

iNQUIRER.net

Industriya ng pagtotroso ang sinisisi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na dahilan kung bakit nakaranas ng malaki at malawakang pagbaha ang Zamboanga Peninsula sa pananalanta ng bagyong Vinta.

Mahigit 200 katao ang namatay dahil sa bagyo, habang nawawala pa rin ang marami pang mga residente ng Mindanao. Bukod pa ito sa ekta-ektaryang lupain na natabunan ng putik dahil sa baha.

Ani Piñol, walang sumipsip ng tubig mula sa ulang dala ng naturang bagyo dahil nakalbo na ang kagubatan ng Zamboanga Peninsula.

Kaya naman imumungkahi ng kalihim kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes na ipatigil na ang mga operasyon ng pagtotroso sa buong rehiyon ng Zamboanga Peninsula.

Sinegundahan naman ng alkalde ng Sibuco na si Bong Edding ang pahayag ni Piñol. Aniya, sa simula pa lamang ng kanyang panunungkulan bilang board member ng Zamboanga del Norte noong 2004 ay isinusulong na niya ang pagpapatigil sa pagtotroso sa kanilang lalawigan.

Read more...