Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung kumpirmadong may isang Pinoy nga na nasawi sa stampede sa Camp City ng Mina malapit sa Mecca sa Saudi Arabia.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Asec. Charles Jose, tagapagsalita ng DFA, natanggap ng konsulada ng Pilipinas sa Jeddah ang nasabing report, mula sa isa ring Pinoy.
Sa impormasyon na ipinarating sa konsulada, Nurse umano sa Saudi Arabia ang Pinoy na nasawi sa stampede.
Ayon kay Jose, makikipag-ugnayan ang konsulada ng Pilipinas sa Jeddah sa ospital na pinagtatrabahuhan ng Pinoy para malaman kung totoo ang report na ito ay nasawi.
Sa datos ng DFA, aabot sa walong libong Filipino Pilgrims ang nagtungo sa Saudi Arabia para dumalo sa Hajj.
Hindi pa aniya kasama sa nasabing bilang ang mga pinoy na naroon na na sa Saudi Arabia na maaring dumalo rin sa pagtitipon.