Karamihan sa mga naging biktima ay mula pa sa Angeles City, Pampanga.
Tinuloyang mga suspek na sina Phil Cooper ng New Zealand at ka-live in nitong si Maria Joy Valfriz.
Ayon sa ulat, pinangakuan sila na makapagtrabaho sa New Zealand dahil nangangailangan ng halos 30,000 bilang ng skilled workers ang naturang bansa.
Subalit, mahigit isang taon na ay hindi pa rin sila napapaalis.
Base pa sa isang reklamo, hiningan sila ng P3,500 para sa assesstment fee maliban pa sa ibang requirements na umabot sa halagang P10,000 bawat aplikante.
Sa datos na nakuha ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sina Cooper at Valfriz ay kabilang sa mga may ‘derogatory record’ dahil binigyan na sila ng closure order noong taong 2014, sa certification na inisyu noong Agosto 2015.
Nalaman din na walang job order para sa Kiwi Assessment Training Center sa New Zealand ang inaalok ng dalawa.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa dalawang illegal recruiter.