Inaalam ngayon ng mga otoridad kung nagkaroon ba ng paglabag sa fire safety rules ang pamunuan ng Metro Department Store sa Ayala Center Cebu matapos sumiklab ang malaking sunog sa naturang mall.
Ayon sa Deputy Director for Operation ng Central Visayas Bureau of Fire Protection (BFP) na si Superintendent Ronaldo Orbeta, nakatanggap sila ng ulat na hindi umano gumana ang sprinkler system at fire alarm ng Metro.
Kaya naman inaalam nila kung totoo ba ang naturang mga ulat para malaman kung mayroon bang mga paglabag ang pamunan.
Aniya, iimbitahan nila ang mga empleyado ng mall na nasa loob ng storage room nang magsimula ang sunog.
Dagdag pa ni Orbeta, sa ngayon ay hindi pa nila matukoy ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa limang palapag ng gusali.
Ang tiyak lamang aniya sa ngayon ay walang nasugatan o namatay dahil sa sunog.