Nais ng Turkey at Germany na mapaganda na ang relasyon ng dalawang bansa at tuldukan na ang hidwaan na nagsimula noon pang 2016.
Isang pagpupulong ang naganap sa bahay ni German Foreign Minister Gimar Gabriel kasama ang kanyang Turkey counterpart na si Mevlut Cavusoglu sa Goslar City, Germany.
Sa naturang pagpupulong ay tinanggap ng dalawang bansa ang kanilang pagkakaiba sa paniniwala kabilang ang pagtutol ng Germany sa Turkey na maging miyembro ng European Union.
Nagsimulang magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa nang maghain ng kasong kriminal si Turkey President Recep Tayyip Erdogan laban sa isang German TV Comic na naglabas ng hindi kanais-nais na paglalarawan sa kanya.
Lumala pa ang hidwaan matapos ang pumlayang kudeta laban kay Erdogan noong July 2016 na ikinasawi ng 250 katao.
Ayon kay Gabriel, napapanahon na upang humanap ang Germany at Turkey ng “common ground” upang maalala ang mga bagay na nagkokonekta sa dalawang bansa.
Dahil dito, nangako ang dalawang opisyal na gagawin ang lahat upang malampasan ang mga balakid sa pagpapanumbalik ng magandang relasyon ng kanilang mga bansa.
Ang Germany ang pinakamalaking export market ng Turkey.