Sunog sa Metro Department Store sa Ayala Center Cebu muling sumiklab

Cebu Daily News | Benjie Talisic

Lagpas alas-9 ng gabi ng Sabado nang muling sumiklab ang apoy mula sa ikatlong palapag ng Metro Department Store sa Ayala Center Cebu.

Agad na binugahan ng tubig ng mga bumbero ang ikatlong palapag ng gusali bago pa umabot ang apoy sa ika-anim na palapag, kung saan nakalagay ang generator set na may kargang 8,000 litro ng gasolina.

Ayon sa hepe ng Central Visayas Bureau of Fire Protection (BFP) na si Senior Superintendent Samuel Tadeo, posibleng muling sumiklab ang apoy dahil sa hangin.

Kasalukuyan pa ring nakataas sa Task Force Bravo ang naturang sunog.

Tinatayang nasa P100 milyon ang kabuuang pinsala sa sunog, ngunit ayon kay Tadeo, posible pa itong umabot sa kalahating bilyong piso.

Read more...