Davao Occidental, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental kaninang alas-2:35 ng madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 217 kilometro mula Silangan ng Sarangani.

May lalim ang pagyanig na 100 kilometro at tectonic ang dahilan.

Wala namang inaasahang pagkasira sa ari-arian bunga ng lindol.

Bagaman may kalakasan ay wala ring naitalang intensities at hindi rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o afterschocks.

Read more...