Ani Coronel, takaw-nakaw lamang ang mga gamit na ito.
Aniya, kung hindi maiiwasan ang pagdadala ng bag ay maaaring gumamit na lamang ng transparent bag para maging madali para sa mga pulis na magsagawa ng inspeksyon sa mga dala ng deboto.
Hinimok rin ng hepe ng MPD na huwag nang isama ang mga anak na bata, lalo na ang mga sanggol sa traslacion.
Biyernes pa lamang ay mayroon nang naitalang 165,000 katao na pumunta sa Quirino Grandstand para sa pahalik sa Itim na Nazareno.
Inaasahan namang aabot sa 2 milyong deboto ang sasama sa traslacion sa January 9.