Kulungan ng bise alkalde ng Puerto Princesa sinalakay sa Oplan Greyhound

iNQUIRER Photo

Ilang mga kontrabando ang nakumpiska mula sa loob ng kulungan ng vice mayor ng Puerto Princesa na si Luis Marcaida III matapos salakayin itong salakayin ng mga otoridad.

Dalawang cellphone, dalawang charger, at isang improvised cigarette ang nakuha sa isinagawang Oplan Greyhound.

Ayon sa mga otoridad, bago pa isinagawa ang operasyon ay sinabihan na si Marcaida na boluntaryo nitong isuko ang mga hawak na kontrabando.

Una nitong isinuko ang dalawang cellphone. Ngunit nang magsagawa ng inspeksyon ang mga otoridad ay doon na nila nakuha ang iba pang mga gamit.

Dahil wala namang lokal na ordinansa ang Puerto Princesa tungkol sa pag-iingat ng mga ipinagbabawal na gamit sa loob ng kulungan ay hindi naman madadagdagan ang kaso ni Marcaida.

Ngunit magiging isang oras na lamang ang oras ng bisita ng pamilya ng bise alkalde dito.

Read more...