DepEd nanawagan ng hustisya para sa Grade 7 pupil na rape victim sa Bicol

Mariing kinondena ng Department of Education ang napabalitang panghahalay sa isang Grade 7 na estudyante sa Tinawagan High School sa Tigaon, Camarines Sur.

Kaugnay ito ng napa-ulat na pagkakatagpo sa bangkay ng biktima sa isang taniman ng puno ng saging 50 metro lamang ang layo mula sa kanyang tahanan.

Base sa kuwento ng kapatid na lalaki ng biktima, naglalakad sila pauwi noong December 7, 2017 mula sa ekwelahan nang unahan siya nito at lumiko sa banana plantation kung saan ito biglang nawala.

Nag-alala ang pamilya ng biktima nang hindi ito uwi kaya nagpasya na humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay para sa hanapin ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na patuloy silang makikipag ugnayan sa mga otoridad para sa takbo ng imbestigasyon at para mapanagot ang suspek sa krimen.

“DepEd remains committed to protecting the rights and well-being of its learners against any form of abuse, violence, threat, exploitation, and discrimination”, ayon sa kanilang pahayag.

Kaugnay nanawagan ang DepEd sa publiko na maging aktibo para maiwasan ang mga katulad na karahasan sa mga bata.

Read more...