2 eroplano nagbanggaan sa Toronto Airport

AP

Nailigtas ang nasa 168 pasahero at anim na crew ng isang Boeing 737-800 makaraang banggain ito ng isa pang eroplano sa Pearson Airport sa Toronto, Canada.

Ayon sa ulat, umaatras ang Sunwing aircraft sa Terminal 3 ng paliparan nang mahagip nito ang paparating na WS2425 ng Westjet Airlines na galing ng Cancun, Mexico.

Nagresulta ito sa pagkasunog ng eroplano.

Mabilis namang rumesponde ang pamatay sunog para apulain ang apoy.

Nailigtas naman ang mga pasaherong sakay ng eroplano.

Read more...