Muling nakaranas ng aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) 3 umaga ng Sabado, Enero 6, 2018.
Kinailangang pababain ang nasa 900 pasahero matapos makaranas ng dalawang magkasunod na technical glitches ang tren.
Unang aberya ay naitala alas-6:52 ng umaga sa Northbound ng Boni Station nang magkaproblema sa signaling system.
Nasa 600 pasahero ang kinailangan pababain at ilipat sa ibang train.
Alas 7:48 ng umaga nang maagkaroon naman ng electrical problem sa bahagi ng Santolan Station Southbound at nasa 300 pasahero ang pinababa mula sa tren.
Sa kasalukuyan ay balik na sa normal ang byahe ng MRT 3.
MOST READ
LATEST STORIES