Barko mula sa China na hinihinalang may droga mananatili sa bansa

Inquirer file photo

Muling papasukin ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang Chinese vessel na Jin Ming 16.

Kasalukuyan pa ring nakadaong ang nasabing barko sa Barangay Calintaan, Matnog Sorsogon mula pa noong January 1.

Magugunitang nakuha ng mga otoridad na palutang-lutang malapit sa nasabing barko ang kilo-kilong cocaine na may halagang umaaabot sa P125 Million.

Sinabi ng mga opisyal ng Philippine National Police sa lugar na posibleng galing sa naturang barko ang nakuhang mga droga.

Dadaan lang sa karagatang sakop ng Pilipinas ang Jin Miang 16 nang ito ay abutan ng sama ng panahon malapit sa lalawigan ng Northern Samar.

Pinasok ito ng tubig dahil sa lakas ng alon sa nasabing karagatan ayon naman sa paunang imbestigasyon ng Philippine Coast Guard.

Sinasabing may mga lamang alak ang barko na galing sa China at patungo sa Chile.

Nahihirapan ang mga otoridad na kausapin ang mga crew ng barko dahil hindi sila marunong magsalita ng ingles.

Napansin rin ng PCG na hindi dapat ginagamit sa international travel ang Jin Ming 16 dahil balot na ito ng kalawang na lubhang mapanganib para sa mga sakay nito.

Read more...