Handa ang bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makipag-usap sa pamahalaan hingil sa ilang mga pangunahing isyu.
Sinabi ni CBCP President at Davao City Archbishop Romulo Valles na bukas siya sa pakikipag-usap sa kampo ni Pangulonmg Rodrigo Duterte para sa ikabubuti ng relasyon ng pamahalaan at simbahan.
Magugunitang naging matamlay ang relasyon ng pamahalaan at simbahang katolika dahil sa pagpunta ng dating mga opisyal ng CBCP sa ilang mga polisiya ng pamahalaan.
Partikular na dito ang war on drugs ng gobyerno at ang mga umano’y kaso ng extra judicial killings sa bansa.
Naging isyu rin ang pagiging malapit sa pamilya Aquino ni dating CBCP President Socrates Villegas.
Sinabi ni Valles na matagal na silang magkakilala at magkaibigan ng pangulo at naniniwala siyang magiging mabunga ang pag-uusap ng mga kinatawan ng gobyerno at ng mga Obispo ng CBCP.
Pormal na nagsimula ang termino ni Valles bilang pangulo ng CBCP noong nakalipas na buwan ng Disyembre.