Isa na namang ballistic missile mula sa Yemen, napigilan ng Saudi Arabia

Yemeni Army Rains New Ballistic Missiles in Southern Saudi Arabia

Napigilan ng mga pwersa ng Riyadh ang inilunsad na ballistic missile mula sa Yemen patungo sa timog bahagi ng Saudi Arabia.

Ayon sa military coalition na lumalaban sa mga rebelde sa Yemen, napigilan ng Saudi air defenses ang nasabing missile at sa kabutihang palad ay wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa pangyayari.

Ipinahayag naman ng Huthis na nagpaputok nga sila ng missile sa southwestern province ng Saudi na Najran, araw ng Biyernes.

Ayon sa tagapagsalita ng nasabing coalition na si Turki al-Maliki, sinadyang puntiryahin ng mga ito ang matataong lugar na nagdulot ng maliit na pinsala sa isang ari-arian ng residente ng Saudi.

Ayon pa kay Maliki, ang napigilang pag-atake ay nagpapatunay lamang sa matagal na nilang alegasyon na ina-armasan ng Iran ang mga rebeldeng Shiite na Huthis.

Read more...