Tinatayang aabot sa 150 baka ang kinatay ang ipinamahagi sa mga pamilya, para sa pagdiriwang ng Eid’l Adah o Feast of Sacrifices ng mga Muslim, sa Zamboanga City.
Kinatay ng mga banyagang Turko ang mga baka sa loob ng Filipino-Turkish Tolerance School, sa Barangay Sinunuc sa lungsod.
Ayon sa administrasyon ng Filipino-Turkish Tolerance School, mahigit 10 taon na ng ginagawa sa lungsod, sa araw ng Eid’l Adha ang pagkatay ng mahigit sa 100 baka, sa pangunguna mismo ng mga dayuhan.
Ipinamahagi ang mga karne ng baka sa mga mahihirap na pamilya, partikular na sa naging biktima ng Zamboanga siege.
Bahagi na rin ito ng pasasalamat ng mga Turko, dahil sa kabaitan umano ng Zamboangueño sa ilang taong pananatili nila sa lugar.
Tumulong naman ang ilang international foundation kagaya ng Australian Relief Organization, Serenity Foundation at ang McYess Ltd. Foundation sa Melbourne, Australia upang makalikom ng pondo ang Turkish community para sa pagbili ng mga baka.