Itinalaga ni Duterte si Magalong bilang miyembro ng board of directors sa Philippine National Oil Company.
Maninilbihan lang si Magalong sa nasabing posisyon hanggang sa June 30, 2018 para punan ang naiwang termino ni Bruce Concepcion.
Samantala, si Floirendo naman ay itinalaga ng pangulo bilang miyembro naman ng board of trustees ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na maninilbihan rin lang hanggang June 30, 2018 para naman punan ang posisyon ni Danilo Dolor.
Si Magalong ay huling nanilbihan bilang deputy chief for operations sa Philippine National Police (PNP) bago siya mag-retiro.
Siya rin ang nanguna sa imbestigasyon ng pagkamatay ng 44 na Special Action Force troopers sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.
Si Floirendo naman ang dating nakoronahan bilang Miss Universe 1973 at dating misis ni Davao del Norte Rep. Anotnio Floirendo Jr. na isang masugid na tagasuporta ng pangulo.