NCRPO gagamit ng drones sa Traslacion

Para matiyak ang seguridad ng mga deboto na makikiisa sa Traslacion 2018, magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng drones para ma-monitor ang prusisyon ng Black Nazarene sa Martes, January 9.

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde, ide-deploy ang drones sa mga high rise buildings at lahat ng segment ng prusisyon.

Mayroon din daw na snipers sa lugar na ilalaan ng Philippine National Police Special Action Force (PNP SAF).

Samantala aabot naman sa 5,613 na pulis ang ipakakalat sa 6-kilometer procession mula sa Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

Dagdag pa ng NCRPO chief, sa pamamagitan ng SAF troopers, maiiwasan ang security breaches at magmakaroon ng mabilisang pagresponde sakaling magkaroon ng terror attack.

Kanya namang sinabi na wala pa rin silang namo-monitor na banta.

Gayunman, patuloy ang pagmamatyag at pangangalap ng impormasyon ng kanilang intelligence operatives maging sa labas ng Metro Manila kaugnay sa presensya ng anumang grupo na maaaring manggulo.

Read more...