Mga militar, may “good leads” na sa paghahanap sa mga dinukot sa Samal

samal island kidnapMayroon nang maganda at positibong pinatutunguahan ang paghahanap ng mga militar sa paghahanap sa mga biktima ng kidnapping sa Samal Island.

Ayon sa hepe ng Armed Forces of the Philippines – Eastern Mindanao Command na si Lt. Gen. Aurelio Baladad, bagaman mayroon na silang mga “good leads”, hindi nila maaaring ihayag ang lokasyon o anumang detalye para huwag makompromiso ang seguridad ng kasalukuyang isinasagawang operasyon para sagipin ang tatlong dayuhan at isang Filipina na dinukot noong Lunes sa Samal Island.

Dagdag pa ni Baladad, bagaman ang pangunahin nilang suspek ay Abu Sayyaf, kinukumpirma pa rin nila ito, pero naniniwala silang galing sa Sulu ang grupong nasa likod ng krimen.

Read more...