P50B, kinakailangan sa rehabilitasyon ng Marawi City

Photo by Erwin Aguilon

Kinakailangan ng gobyerno ng tinatayang 50 bilyong piso para sa rehabilitasyon ng Marawi City, ayon sa Malacañang.

Ipinahayag ni Communications Assistant Secretary Marie Banaag na mahigit P11.61 bilyon ang napinsala ng nakalipas na limang buwang bakbakan habang P6.6 bilyon ang kabuuang nawala sa lungsod.

Ayon kay Banaag, P49.81 bilyon ang kinakailangan para sa rehabilitasyon, kabilang ang pabahay sa Marawi City.

Gayunman, ayon kay Housing and Urban Development Coordinating Council and Task Force Bangon Marawi chair Eduardo del Rosario, posibleng madagdagan pa ang kinakailangang pondo ng gobyerno oras na matapos na ang master development plan para sa lungsod.

Una nang naglaan ng P15 bilyon ang gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi City sa ilalim ng 2018 national budget.

Read more...