Ayon kay Bayan Secretary-general Renato Reyes, lumalabas na ang planong baguhin ang Saligang Batas para sa sistemang pederalismona ay layong palawigin ang kapangyarihan ng mga opisyal.
Giit ni Reyes, ito ay para sa pansariling interes at hakbang patungo sa diktaturya.
Sa isinusulong na pag-amyenda sa Saligang Batas, halos hawak na ng pangulo ang kapangyarihan ng lehislatura.
Kapag nangyari ito mapapabilis anya ang pagpasa ng lahat ng mga panukala ng super majority sa Kamara.
Dahil dito, umapela ito sa Senado na pag-aralan mabuti ang isinusulong na Charter Change.
MOST READ
LATEST STORIES