Ito ay bunsod ng magkakaibang desisyong inilabas ng tatlong orihinal na mahistrado, na siyang humahawak sa ikalawang suspensyon ni Binay.
Ayon sa panuntunan ng CA, kinakailangang maging unanimous o iisa ang pasya ng tatlong mahistrado.
Nagdagdag lamang ng dalawang mahistrado sakaling magkaroon ng pagkakaiba sa mga opinyon at desisyon na orihinal na komposisyon ng mga mahistrado.
Ang pagkakaroon ng majority vote ang kailangan upang mapatunayan na may katotohanan ang mga ebidensyang inihain laban sa pangalawang pangulo.
Matatandaang ilang ulit nang nagpalipat lipat sa iba’t ibang mahistrado, ang kaso ni Binay, dahil iba’t ibang rason ang nailalatag.