Ani Cadiao, ni hindi man lamang sila binabalitaan ng DOE tungkol sa nagaganap na proseso ng imbestigasyon, at ang tanging nalaman lang nila ay ang pagka-alis ng suspension order sa minahan.
Nais nila na magkaroon ng malinaw at tapat na resulta ng imbestigasyon at kung ano ang mga ginawa ng kumpanya para maisaayos ang kaligtasan sa minahan.
Ayon sa sulat sa SMPC noon Sept. 17, inalis na ng DOE ang suspension order matapos nilang mapatunayan na nakasunod naman na ang kumpanya sa mga rekomendasyon ng ahensya para masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga manggagawa.
Kabilang dito ay ang pagkakaroon ng safety consultant, pagtatayo ng standard buffer zone at pagiimplementa ng safety program on Hazard Identification Risk Assessment and Control, pati na rin ang upgrade sa alert and evacuation procedures ng kumpanya.
Naninindigan naman si Cadiao sa pagpapasara ng Panian pit dahil aniya, sapat na ang dalawang aksidente sa loob ng 29 buwan para ipasara ito.
Matatandaang sinuspende ang operasyon ng minahan matapos mailibing ng buhay ang mga minero dahil sa pagguho ng bahagi ng Panian pit.