Bukod pa ito sa apat na iba pang mga sundalong tumaas rin ang ranggo.
Kinilala ang mga promoted soldiers na sina Major General Paul Atal, commander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) – Central Command sa Cebu, at Major General Danilo Pamonag, hepe ng AFP Souther Luzon Command sa Lucena.
Sina Atal at Pamonag ay mula sa 5th Infantry Division at Army Special Operations Command na kabilang naman sa mga ipinadalang mga sundalo sa Marawi City para labanan ang ISIS-inspired Maute terror group.
Major general na rin ang ranggo ngayon nina dating Brigadier General Fernando Trinidad, AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence, Brigadier General Rewne Glen Paje, AFP Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, at Brigadier General Jose Antionio Carlos Motril, hepe ng AFP Human Rights Office.
Hawak naman ngayon ni dating Colonel Joseph Villanueva ng Philippine Military Academy (PMA) Headquarters Academic Group Head ang ranggong brigadier general.
December 18 pa nang aprubahan ni Pangulong Duterte ang promotion ng mga nabanggit na sundalo. Ngunit January 4 lamang nang i-release ang kanilang mga bagong ranggo, kasunod ng donning of the ranks na pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero sa Hall of Flags sa Camp Aguinaldo.