Karne ng mahigit 70 aso nakumpiska sa Batangas

Arestado sa isinagawang operasyon ng pinagsanib-pwersang National Meat Inspection Service, Batangas Provincial Police, at isang non-government organization (NGO) ang dalawang lalaki dahil sa pagkakarga ng karne ng mga aso sa kanilang sasakyan.

Tinatayang nasa mahigit 70 mga aso ang kinatay para makuha ang mga karne nito.

Hindi naman na itinanggi ng mga suspek ang paratang. Anila, bagong katay ang mga aso na mula sa Barangay Quil-Quilo at dadalhin sana nila sa mga restaurant sa Baguio City.

Kasalukuyang nakaditine ang dalawa sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Batangas at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8485 o Animal Welfare Act of 1998.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa posibleng negosyo ng katayan ng aso sa lugar.

Read more...