Makakaapekto ito sa Palawan, bahagi ng Visayas, at Mindanao ang hanging Habagat na magdadala ng malakas na ulan.
Makakapal na ulap dulot ng habagat, ang kasalukuyang lumulukob sa bahagi ng Palawan, Visayas, at Mindanao, habang kumikilos si Jenny ng 95 kilometro kada oras, may layong 1,130 kilometro, silangang bahagi ng Calayan, Cagayan.
Hindi naman inaasahang lalapit sa bansa, at tatama sa lupa si Jenny, upang magkaroon ng direktang epekto sa bansa.
Ngunit pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda na papalaot na asahan ang malalakas na alon at makakapal na ulap sa karagatan, malapit sa 350-kilometer radius ng bagyong Jenny, partikular na sa Timog kanlurang parte ng bagyo.
Ayon naman sa pinakahuling monitor, kumikilos si Jenny, sa Kanlurang, Hilagang Kanluran patungong Timog China, sa bilis na 7 kilometro kada oras.