French Pres. Emmanuel Macron bibisita sa China

Tutungo sa China si French President Emmanuel Macron upang patibayin pa ang kanilang commercial ties sa naturang bansa.

Ito ang magiging kauna-unahang pagbisita ni Macron sa China mula nang maipanalo niya ang eleksyon noong nakaraang taon.

Makikipagkita si Macron kay Chinese President Xi Jinping sa January 9 pagkatapos ng kaniyang pagbisita sa ancient imperial capital ng Xi’an.

Maliban sa kanilang economic ties, matatalakay sa pagbisita ni Macron sa China ang tungkol sa North Korea, ang laban kontra terror financing at ang pagsusulong ng laban sa climate change.

Ilang commercial deals din ang inaasahang malalagdaan sa pagbisita ni Macron sa China, ngunit hindi pa naisasapinal ang mga ito.

Isang Franco-Chinese investment fund din ang lalagdaan sa kasagsagan ng kaniyang pagbisita na nagkakahalaga ng $1.2 bilyon.

Read more...