Gayunman, tiniyak ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde na hindi pa rin sila magiging kampante at magre-relax.
Sinabi rin ni Albayalde na nais nilang maganap ang Traslacion nang walang nangyayaring anumang abala o gulo.
Samantala, tiniyak naman ni Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong na mayroon silang Plan A at Plan B na ipatutupad sa pakikipagtulungan ng PNP sakaling mangyari ang “worse case scenario.”
Ayon kay Badong, sakaling magkaroon ng anumang krisis o disaster, man-made man o natural, ihihinto o ipagpapaliban nila ang Traslacion depende sa tindi ng pinsala o sitwasyong bunsod nito.
Pero ayon kay Badong, sa ilang taong ginagawa ang Traslacion, tumatagal lang ang prusisyon ngunit kailanman ay hindi ito nakansela.