Palasyo, hugas kamay sa panggigipit umano ng AFP sa mga Lumad

lumad school
Inquirer file photo

Pinasinungalingan ng Malacañang ang alegasyon ni Alliance of Concerned Teachers Rep. Antonio Tinio na si Pangulong Aquino umano ang nag-otorisa sa militar na isara at okupahan ang mga Lumad schools sa Mindanao bilang bahagi ng kampanya ng karahasan laban sa mga tribal communities.

Ayon kay Communications Operations Sec. Sonny Coloma, walang batayan at walang katotohanan ang alegasyon.

Ayon aniya kay Education Secretary Armin Luistro ay ginagawa ng Department of Education ang lahat upang mapanatiling lugar ng katahimikan ang lahat ng mga paaralan at matiyak ang kaligtasan ng mga magaaral.

Tiniyak ni Coloma na patuloy na tinutukoy ng pamahalaan ang isyu sa Lumad at sa katunayan aniya ay mayroon pang Peace Caravan na nagpunta sa lugar upang matulungan ang mga apektadong residente at ipagpatuloy ang programang pangkabuhayan.

Binigyang diin ni Coloma na matibay ang paninindigan ng pamahalaan na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga indigenous people kasama na ang mga Lumad.

Read more...