Miyerkules nang matagpuan ng isang residente sa tabing dagat ang isang plastic container na naglalaman ng hinihinalang droga.
Ayon sa hepe ng Sorsogon Provincial Police na si Senior Superintendent Marlon Tejada, nasa tig-isang kilo ang bigat ng bawat isa sa 25 pakete ng iligal na droga at mayroon itong street value na tinatayang aabot sa ₱120 milyon.
Aniya, posibleng galing ito sa ibang bansa at inanod lamang sa Sorsogon.
Dagdag pa nito, posibleng inihulog o nahulog ito sa dagat mula sa isang aircraft.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa narekober na droga.