Faulty electrical wiring sanhi ng malaking sunog sa NCCC Mall sa Davao

file photo

Electrical short circuit ang naging dahilan ng malaking sunog na ikinamatay ng 38 katao sa NCCC Mall sa Davao City kamakailan.

Ito ang lumabas sa resulta ng imbestigasyon ng binuong Inter-agency Anti-Arson Task Force ayon sa kanilang tagapagsalita na si Supt. Jerry Candido.

Nabutas umano ang galvanized foilings na kinalalagyan ng ilang kawad ng kuryente sa loob ng mall ayon sa analysis sa kanilang arson laboratory.

Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil sa mga nakaimbak na tela sa ikatlong palapag ng New City Commercial Center noong December 23.

Ipinaliwanag rin ni Candido na mali ang disensyo ng mga fire exits sa nasabing mall.

Bukod sa hindi fire-rated ang mga pintuan ay mahirap rin daw nahapin ang mga ito kapag makapal na ang usok.

Napansin rin ng mga arson investigators na nasa manual mode ang fire alarm at water sprinklers ng mall kaya hindi ito gumana nang magsimulang lumaki ang apoy sa ikatlong palapag.

Hindi rin umano gumana ang mga fire extinguishers dahil luma na ang mga ito.

Sa ngayon ay inihahanda na ng binuong inter-agency task force ang kanilang irerekomendang kaso laban sa pamunuan ng nasabing mall.

Read more...