Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, hindi umano maaring pagkatiwalaan ang mga miyembro ng kongreso na pangunahan ang planong pag-amyenda
Diskumpyado umano si Pangilinan lalo at nakita niya ang isinagawang congressional hearing sa mga kaso ng extra judicial killings pati na ang imbestigasyon sa P6.4 Billion shabu shipment na umano’y kinasasangkutan ng Davao group.
Mahirap din umano na pagtiwalaan lalo at natunghayan nang taong bayan ang ginagawang impeachment laban kay Chief justice Maria Lourdes Sereno at ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao ng isang taon.
Nauna nang pinalutang ni Speaker Pantaleon Alvarez ang scenario ng No-El o no election gayundin ang posibilidad ng term externsion ng pangulo sa proseso ng transition mula presidential patungo ng federal form of government at ayon kay Pangilinan nakahanda umano sila sa oposisyon na salungatin at tutulan ito.