Ito’y matapos manawagan mismo si Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa kay dating Mandaluyong City Police Station Mobile Patrol Unit chief Senior Insp. Maria Cristina Vasquez, na sumuko na sa mga otoridad.
Pagkatapos kasi ng nangyaring insidente ng pamamaril, biglang nag-absence without leave si Vasquez at Miyerkules na lamang ng umaga muling lumutang.
Ayon kay Eastern Police District director Chief Supt. Reynaldo Biay, nag-report for duty si Vasquez dakong 10:45 ng umaga kahapon.
Kasalukuyan naman siyang nasa Regional Personnel and Holding Unit sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City.
Ayon pa kay Biay, si Vasquez ay sinamahan nina Special Investigation Task Group (SITG) “Mandaluyong” commander Senior Supt. Florendo Quibuyen, at dating hepe ng Mandaluyong police na si Senior Supt. Moises Villaceran, nang mag-report ito sa EPD headquarters pasado alas-3:00 ng hapon.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng restrictive custody ng acting chief ng Mandaluyong City Police na si Supt. Enrique Agtarap si Vasquez habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Isa si Vasquez sa 10 pulis Mandaluyong na sinampahan ng kasong homicide dahil sa pagkasawi nina Jonalyn Amba-an at Jomar Hayawon, at frustrated homicide naman dahil nasugatan sina Eliseo Aluad at Danilo Santiago bunsod ng pamamaril.
Samantala, sinabi naman ni Biay na patuloy nilang hinahanap at ipinapanawagang sumuko na ang isa pang suspek na barangay tanod na si Gilbert Golpo, dahil hanggang ngayon ay at large pa rin ito.