Ayon kay Celine Pialago, Spokesperson ng MMDA, Enero 5 pa lang ay sisimulan na nila ang deployment ng kanilang mga tauhan sa Quirino Grandstand bilang bahagi ng kanilang emergency preparedness sa Pista.
Tutukan ng naturang mga personnel ang pagbibigay ng first aid at pagbabantay sa Pahalik sa Enero 8, gayundin ang pagdadala sa Black Nazarene sa Luneta.
Dagdag pa ni Pialago, nakahanda ang kanilang pwersa at susuporta sila sa Manila Police District.
Inaasahang aabot sa 19 na milyong deboto ang lalahok sa mga aktibidad sa Pista ng Black Nazarene.