4 na mga bansa bibisitahin ni Duterte ngayong 2018

Sinabi ng Malacañang na apat na mga bansa ang nakatakdang puntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kabilang sa mga bansang pupuntahan ng pangulo ay ang India, South Korea, Australia at Israel.

Nilinaw rin ng opisyal na inimbitahan ng mga lider ng nasabing mga bansa ang pangulo.

Ang biyahe ng pangulo sa India ay bahagi ng ASEAN-India Commemorative Summit na nakatakdang ganapin sa pagtatapos ng kasalukluyang buwan.

Kabilang sa tututukan ng pamahalaan ay ang pagpapatatag ng trade agreement at bilateral relations ng Pilipinas sa nasabing mga bansa.

Nauna nang sinabi ng pangulo na magiging matipid ang kanyang administrasyon sa mga byahe sa abroad.

Read more...