Pag-amyenda sa Saligang Batas haharangin ng oposisyon sa Senado

Pinaghahandaan na ng mga opposition Senators ang pagsalang ng panukalang pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungo sa Federalism.

Tinawag pa ni Sen. Franklin Drilon ang panukala na imoral dahil sa umano’y naglalayon na i-extend ang termino ni Pangulong Duterte.

Lumalabas umano na maaring palawigin ang termino ni Duterte sa ilalim ng panukalang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Nauna ng inamin ni Senate President Koko Pimentel na posibleng mapalawig ang termino ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilalim ng federal form of government.

Nauna nang sinabi ng oposisyon sa Senado na gagawa sila ng paraan para tiyaking hindi mapapalawig ang termino ng pangulo.

Read more...