Ayon kay Supt. Lucille Faycho ng Manila Police District, malaki ang posibilidad na tumaas pa ng limang porsyento ang bilang ng mga dumalo noong nakaraang taon sa pista na umabot sa 18 million.
Nagsimula ang mga aktibidad na may kaugnayan sa pista noong December 31, 2017, na matatapos naman sa January 9, 2018 sa pamamagitan ng prusisyon ng Itim na Nazareno o Traslacion.
Ayon pa kay Faycho, bagaman naka-alerto ang MPD, wala pa naman namomonitor na anumang banta sa pista.
Samantala, magsasagawa naman sa January 7 ng prusisyo ng mga replica ng Itim na Nazareno mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Magsisimula ang aktwal na Traslacion, alas sais ng umaga ng January 9.
Sinabi naman ni Father Douglas Badong na tinatayang nasa isa hanggang dalawang milyong deboto ang lalahok sa Traslacion, na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park at matatapos sa Quiapo Church.