Tim Yap, ikinasal na sa kanyang partner sa New York City

Photo: Lea Salonga’s Instagram post

Ikinasal na ang TV-Host na si Tim Yap sa kanyang partner na si Javi Martinez Pardo nitong nagdaang Pasko sa Amerika.

Si Javi ay isang events director sa New York City.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Tim ang isang larawan ng dalawang lalaki na magkahawak ang kamay.

Kalakip sa nasabing post ang caption na “MARRIED”.

Sa hiwalay na post, ipinakita naman ng singer-actress na si Lea Salonga ang isang larawan kung saan makikita sina Tim at Javi.

Ayon kay Lea, kinuha siyang witness ng magkasintahan sa kanilang kasal.

Matatandaang noong January 19, 2017, nag-propose si Tim sa kanyang boyfriend kasabay ng kanyang 40th birthday.

Read more...