Naging emosyonal si Justice Secretary Leila de Lima sa kanyang talumpati kanina, kasabay ng pagdiriwang ng ika-118th anibersaryo ng Department of Justice.
Laman ng kanyang speech ang kanyang mga naging accomplishments na nagsimula noong July 1, 2010 bilang kalihim ng Justice department.
Kabilang na rito ang matagumpay na prosekuyson ng pork barrel case, human trafficking cases at iba pang mga high profile cases.
Samantala hindi man diretsahan ay mistulang nagpaalam na ito sa mga empleyado at mga opisyal ng mga ahensyang nasa ilalim ng DOJ matapos nitong sabihin na ito na ang kanyang huling talumpati sa DOJ.
Wala namang kumpirmasyon si de Lima kaugnay ng kanyang plano sa 2016.
Pero ayon sa kalihim, bababa siya sa posisyon sa hindi malayong panahon.
Sa hiwalay na panayam, sinabi ni de Lima na nagrekomenda na siya kay Pangulong Aquino nang pwedeng ipalit sa kanya bilang justice secretary.