Sinabi ni Dela Rosa na posibleng tugisin ng pulisya si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez kapag naglabas ng arrest warrant ang korte.
Ayon sa hepe, nag-AWOL o absence without leave si Vazquez simula nang maganap ang insidente ng mistaken identity noong Huwebes.
Dahil dito, nanawagan si Dela Rosa kay Vasquez na sumuko na sa mga otoridad. Dagdag niya, hindi dapat matakot ang mga pulis kung wala silang masamang intensyon.
Hindi dumalo si Vasquez sa inquest proceedings para sa mga kasong homicide at frustrated homicide na isinampa laban sa kanya at siyam na iba pang pulis.
Hindi rin nag-report sa Regional Police Holding and Accounting Unit si Vasquez kung saan dapat siyang sumailalim sa kustodiya nito.