Replacement fee para sa ID ng SSS members, bumaba

INQUIRER FILE

Makakakuha na ng replacement electronic identification cards ang mga myembro ng Social Security System (SSS) sa mas murang halaga.

Sa pahayag, inanunsyo ng SSS na mula P300, nagkakahalaga na lamang na P200 ang replacement fee para sa Unified Multi-purpose Identification (UMID) card.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel Dooc, ganito rin ang presyo para sa mga myembro na nais i-update ang impormasyon sa kanilang IDs.

Nilinaw naman ni Dooc na hindi sisingilin ng replacement fee ang mga myembro kapag ang SSS ang nagkamali sa paglalagay ng data, gaya ng maling screening ng naunang card application.

Epektibo ito noon pang December 11, 2017.

Read more...