Ipinaaresto ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald Dela Rosa ang mga barangay tanod na armado ng baril.
Ayon kay Dela Rosa, labag sa batas ang pagdadala ng baril ng mga tanod, at tanging batuta lamang ang maari nilang bitbitin kapag rumuronda.
Ayon kay Dela Rosa, kinikilala ng PNP ang tulong ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng peace and order situation, pero kapag sila na ang nasasangkot sa krimen, hindi ito kukunsintihin.
Sinabi ng hepe na kahit pa lisensyado ang baril ng mga tanod, kung ginamit naman ito sa pagpatay o pananakit, maari pa ring kasuhan ang mga ito.
Ang pahayag ng PNP Chief ay kasunod ng naganap na insidente ng pamamaril sa Mandaluyong City na ikinamatay ng dalawa katao.
Pinayuhan din ni Dela Rosa ang barangay tanod ng Barangay Addition Hills, Mandaluyong City na sumuko na matapos magtago ilang oras makalipas ang insidente.