Pinaalalahanan ni Leyte 2nd District Rep. Henry Ong ang mga individual income taxpayers na hindi sakop ng bagong Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN ang kinita noong taong 2017.
Ayon kay Ong, ang income noong nakalipas na taon ay kailangan pa ring ideklara sa paghahain ng income tax returns bago ang deadline nito sa April 16.
Kaya paliwanag ng mambabatas ang mga apektadong indibidwal ay kailangang maghain ng ITR kaya pa epektibo na ang TRAIN Law.
Samantala, nangamba naman ang mambabatas sa maaring kaharaping problema ng mga indibidwal na hindi na kailangang maghain ng ITR.
Ito aniya sapagkat kailangan ang ITR bilang requirement sa mga loans at iba pang bagay na kailangan ng proof of income.
Dahil dito, nanawagan ang mambabatas sa Bureau of Internal Revenue na gumawa bg substitute requirement para dito.
Base sa Republic Act 10963 o TRAIN Law ang mga kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 kada taon ay hindi na kailangan pang maghain ng ITR.