Red rainfall warning itinaas ng PAGASA sa Samar at Leyte dahil sa bagyong Agaton

CDN Photo | Toni Despojo

Nagtaas ng red rainfall warning ang PAGASA sa mga lalawigan sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan dahil sa bagyong Agaton.

Sa rainfall advisory ng PAGASA na inilabas alas 8:18 ng umaga, nakataas ang red rainfall warning sa Eastern Samar, Samar, Leyte, Southern Leyte at Biliran.

Ayon sa PAGASA, maaring makaranas ng ‘serious flooding’ sa nasabing mga lugar at landslides sa mga bulubunduking lugar.

Orange rainfall warning naman ang nakataas sa Cebu, Bohol, Siquijor at Negros Oriental.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA sa mga susunod na oras para sa mga lugar na patuloy na nakararanas ng malakas na buhos ng ulan dahil sa bagyong Agaton.

 

 

 

 

 

Read more...