Sa Germany, dalawang tao ang nasawi, habang sugatan naman ang isang bata at limang tao ang kinailangang putulan ng bahagi ng katawan dahil sa mga aksidenteng may kinalaman sa paputok.
Isang 35 taong gulang na lalaki at isang 19 tong gulang naman na biktima ang nasabugan ng paputok sa kanilang mga mukha sa Bradenburgh ayon sa mga pulis.
Sa parehong rehiyon din ay nagtamo ng matinding sugat sa mukha ang isang 11-taong gulang na batang lalaki matapos tamaan ng paputok na inihagis ng grupo ng mga kabataan.
Ayon sa pahayag na nag-ulat sa aksidente, isang paputok na “Polish rocket” na ibinebenta sa Polish border at naglalaman ng mas maraming pulbura kumpara sa mga ibinebenta sa Germany, ang ginamit ng mga kabataan.
Samantala, sa Berlin naman ay limang tao ang kinailangang putulan ng kamay o daliri dahil sa mga firecracker-related injuries.
Dahil dito, umabot na sa 21 ang kabuuang bilang ng mga nabiktima ng paputok sa kabisera ng Germany.