Batay sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, 55kph na ang lakas ng hangin na dala ng naturang bagyo na mayroong pagbugso na aabot naman sa 90kph.
Patuloy itong kumikilos sa kanlurang direksyon sa bilis na 22kph.
Kaya naman asahan na ang katamtaman hanggang sa mabigat na mga pag-uulan sa buong rehiyon ng Visayas, CARAGA, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Lanao del Sur, Davao del norte, Compostela Valley, Davao Oriental, at Palawan.
Ayon pa sa weather bureau, posibleng magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Palawan
– Southern Leyte
– Bohol
– Southern Cebu
– Siquijor
– Southern Negros Oriental
– Southern Negros Occidental
– Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island
– Surigao del Sur
– Dinagat Island
– Agusan del Norte
– Misamis Oriental
– Misamis Occidental
– Lanao del Sur
– Camiguin
– Northern Bukidnon; at
– Zamboanga del Norte
Inaasahang tuluyang lalabas ang bagyong Agaton sa Huwebes ng gabi, January 4.