Mag-pinsan sugatan sa insidente ng hit-and-run sa Caloocan

 

Nabiktima ng hit-and-rin ang isang mag-pinsan sa Caloocan City.

Kwento ng motorcycle rider na si Joey Moralos, papaliko na sana siya sa kanto ng EDSA at A. De Jesus para mag-U turn nang bigla na lamang sila umanong banggain ng isang Mitsubishi Adventure, dahilan para pahulog sila ng kanyang angkas na si Joper Operario.

Dahil sa naturang aksidente, malaki ang naging galos sa binti ni Moralos habang sa braso naman ang sugat na natamo ni Operario.

Kapwa aminado ang dalawang biktima na nakainom sila.

Samantala, dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi naplakahan ng dalawa ang bumangga sa kanilang AUV na mabilis na tumakas matapos banggain.

Read more...